Sunday, 23 September 2012

Anong ma pipick-up sa pick-up line?

May iba akong nararamdaman
Natatakot lang sabihin.
Itatago na lang ang lihim
Sa isang pick-up line na sasabihin.

Marami na ang naloloko at napapaniwala sa mga pick-up line. Sa tagal ng panahon, nagsimula ito bilang pang-akit ng isang tao. Naging isang malikhain na manifestasiyon ng nararamdaman ang pick-up line hindi tulad ngayon. Sa panahon ngayon, naging tema na ito ng maraming pelikula at palabas sa telebisyon, pati na rin sa pang araw-araw na usapan. 

Sabi nina Ms. Rachelle Joy Rodriguez at Wennielyn Fajilan na ang "Pick-up Line" ay mahahati sa limang aspekto. 

Una, ito ay pwede maging HIRIT. Hirit bilang simpleng katatawanan lamang na hindi siniseryoso. 





Pangalawa, ito ay pwede maging BANAT kung saan pambobola ang pangunahing pamamaraan ng pagbuo ng pick-up line o sa Ingles, stretching the truth





Pangatlo, ang pick-up line ay pwede maging CHEESY o nakakakilig. Mailalarawan ito bilang "nakakaasar na nakakatawa." Mahusay itong napakita sa pelikula nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga na "My Amnesia Girl." Kasama nito ang naging sikat na soundtrack ng pelikula na pinamagatan "Mahal Kita Kasi" ni Nicole Hyala.







Pang-apat, ito ay pwede maging PANG-ASAR/PANG BASAG. Kamakailan lamang, ito  ay mahusay na naipakita ni Sen. Miriam Defensor sa isang Forum sa isang eswelahan.



Panglima at huli, ang pick-up line ay pwede ring maituring na PILYO/KABASTUHAN. Sa ngayon, ito ang nagiging pinakapopular na porma ng pick-up line sa mga kabataan.





References:

http://www.filipinoquotes.com/2012/05/pick-up-lines-in-tagalog-may-2012.html
http://www.boybanat.com/2012/02/sweet-tagalog-pick-up-lines-and-sweet.html
http://www.youtube.com/watch?v=rZDotJzCR5c
http://en.wikipedia.org/wiki/My_Amnesia_Girl&docid=8vuUMONJ5zljuM&imgurl
http://www.boybanat.com/2012/06/pinoy-green-pick-up-lines-and-tagalog.html

No comments:

Post a Comment